Thursday, October 13, 2011

Eulogy for the Untimely

People closest to me are aware that I usually "gather" information through variable and conventional means. That means that I do background checks on people even though they are of no significance to my life.

Nonetheless, sometimes, I stumble upon a Facebook account of a recently deceased person or sometimes, even those who have already went away for several months already.

I can't help but feel sadness and silently mourn with the people with whom the said person is associated with. Despite my apathetic stance in life, I do feel their despair. The words that they incur are words that the recipient will never read. Words that will never get proper replies. Words that will stay for the person is already far away.


23

So today marks my 23rd year on this planet.

Nothing special.

Nothing new.

Saturday, October 1, 2011

Larong Pilipino

Sa tuwing pumapasok ako sa trabaho, hindi maiiwasan na mapapadaan ang sinasakyan kong jeep sa ilang mga paaralan. Nakikita ko ang mga batang naglalaro sa labas. Habulan. Tayaan. Chinese Garter. At kung anu-ano pa.

Sa labas ng mga pampublikong paaralan ko kadalasan itong nakikita. Naglalaro ang mga bata.

Dati rati, halos lahat ng mga bata, kasama na ako, makikita mo sa labas. Naghahabulan, naglalaro.

May ibang gumagamit ng malaking bato bilang isang base sa larong Agawang Base. Samantalang, palakihan ng tsinelas ang labanan sa Tumbang Preso. Siyempre, mas malaki ang tsinelas mo, mas mataas ang tsansang matamaan mo yung lata. Makakakita ka ng mga batang may nakapulupot na mga pinagdikit-dikit na goma sa katawan. Naglulundagan. Chinese Garter daw ang larong yun. Hanggang ngayon, hindi ko alam kung bakit yun ang tawag dun. Oh wait, meron pang larong Ten-Twenty akong naaalala na nilalaro gamit yun.

Naaalala ko nung bata ako, masarap manood ng mga naglalaro ng Luksong Baka. Lalo na kung yung Baka ang lulukso. Tapos payat yung lulundagan. Kawawang nilalang. Hindi yung milagrong pagkakalukso ang inaabangan ko. Kundi yung pagbuwal nung niluksuhan, kasama ng lumukso. Halos pareho rin nung sa Luksong Tinik. Kaso, yung pagsubasob ng lumundag ang hinihintay ko.

Hindi ko malilimutan yung paglalaro ng Taya-tayaan. Pag mabagal kang tumakbo, good luck sayo. Masarap makakita ng mga batang sumusubsob sa buhanginan. Masaya rin ang Tagu-taguan. Na kung saan eh pagkabilang ng sampu, SAVE na agad ang sigaw ng lahat ng ibang naglalaro. Nasa likod lang kasi nung taya. O kaya, habang naghahanap yung taya, wala na pala yung mga kalaro nya, sinundo na ng mga magulang.

Meron ding Jackstones na may kung anu-ano pang Exhibition ang ginagawa kapag natapos mo na ang 1-10. Meron ding Pick-Up Sticks na hindi ko alam kung gawang Pilipino ba talaga. Meron ding Sipa. Na kung saan eh kapag may mga naglalaro sa paligid mo nito, dapat lagi kang alerto dahil hindi mo alam kung kelan ka mababagsakan ng tingga sa ulo. Consolation na lang sayo kung favorite color mo ang kulay ng Straw na nakabuhol dun sa tingga.

Hanggang ngayon, naaalala ko pa kung paanong naglalaro kami ng mga pinsan ko ng Patintero. Nakaharang kami sa kalsada. Siyempre, pag may dumadaang sasakyan, natitigil ang laro namin. Pero masaya. Lalo na kung sampalan ng mukha ang nangyayari. Naalala ko tuloy. Tamaang Bata. Eto naman, ang goal dito, eh tamaan ng taya yung ibang naglalaro. Bola ang kadalasang ginagamit dito. Masarap kapag ikaw ang taya at bola ng basketball ang ibabato mo. Panalo.

Sa jeep, kapag walang magawa, nakikipaglaro ako ng Red Violet. Hindi ko rin alam kung saan nakuha ang larong yun. Basta masarap manghampas ng kamay. Siguro dun nag-ugat ang kalandian ng ilang mga Pilipino. Pati sa Pass the Message. Siguro lang ha. Walang Statistical at Scientific evidence para dito. Tingin ko lang.

Ito ay ilan lang sa mga ala-alang pinagdaanan ko nung kabataan ko. Bihira ko na rin itong nakikita ngayon. Bakit?

Dahil ito sa teknolohiya. Maganda man ang naidudulot sa ating lahat, nakalulungkot pa rin na makitang unti-unting nawawala ang mga Larong Pilipino na kinalakihan ko. Ang mga bata ngayon, sa bahay na lang. Text text. DotA. Sims Social. Facebook. PSP. XBox. At kung anu-ano pa.

Bihira na ang mga naglalaro sa labas.

Hindi naman sa nilalahat ko pero karamihan talaga ng nasa pampublikong paaralan, hindi ganun kaganda ang pamumuhay. Kaya sa tuwing dumaraan ako sa mga pampublikong paaralan, nalulungkot ako at napapaisip...

"Ang mga taong walang kakayahang sumabay sa teknolohiya ang magdadala ng ating kultura."