Kahit nung Elementary pa lang ako, mahilig na akong magbasa ng libro. Ang weird lang dahil advanced ako magbasa. Halimbawa, yung pang-grade 6 na mga libro ang binabasa ko noong nasa Grade 5 pa ako. Pero di ko binabasa yung pang-Grade 5. Adik lang no?
Nung nag-Highschool ako, ganun din. Nagbabasa na ako ng Chemistry at World History, First Year pa lang ako.
Nung nag-College, ilang Semesters pa bago ang isang subject, nabasa ko na yung librong gagamitin. Pero in certain cases lang ito. Hindi ako nahilig magbasa ng libro tungkol sa kursong tinapos ko.
Habang tumatagal ang panahon, napansin ko na mas gusto ko ang mga librong Fiction ang genre. Ayaw ko masyado ng mga romance. Ang corny kasi. Ako na walang lovelife.
Noong College ako, kadalasan akong humihingi ng pera sa aking kuya o mami para ipambili ng librong hindi naman magagamit sa pag-aaral. Or panggala. The thing is, I only asked for money twice para ipambili ng librong gagamitin sa pag-aaral - una ay noong binili ko ang Fundamentals of Nursing at Medical Dictionary at ang pangalawa ay noong binili ko ang White Book ng Community na maraming grammatical and typographical errors.
Masaya ako na napapaloob sa mundo ng mga librong binabasa ko. Iniisip ko minsan, sana, isa na lang akong tauhan sa isang kwento. Sa isang kwentong Fiction na Fantasy. Yung tipong may kapangyarihan ako. Basta. Oo. Isip-bata pa rin ako. Haha.
Ang di ko lang gusto sa pagkakaroon ng mga libro ay ang kawalan nito ng saysay matapos mong basahin. As in nakatambak na lang sila at hihintayin mo na lang na maluma o may manghiram at hindi na isoli.
(Wag pansinin ang MTG Cards na nakasingit jan. hahaha.)
Regarding that, naiinis ako. Andami kong librong hindi pa naisosoli sa akin. As in. Sa dami ng libro ko, di ko na alam kung sino ang pinahiram ko at kung ano ang pinahiram ko. Mahirap na namang mambintang.
Ang pinakamalaki ko namang problema sa mga libro ko eh kung paano ko sila ilalabas kapag nagkaroon ng sunog.
Alam ko na. Pag nagkasunog, hahakutin ko na lang sila dito sa bag na to:
Original lahat yan. Hahaha. O diba, pwede nang itinda after masunugan? LOL.
P.S. Mukhang hindi sila magkakasya lahat. Tsk tsk.
No comments:
Post a Comment