Sunday, November 6, 2011

Of Blogging Again

Masarap mag-blog. Normal naman sating mga tao ang dumaldal at magkwento. Pero siyempre, namimili tayo ng isasa-publiko. Hindi lahat ng bagay dapat nalalaman ng iba. Hindi rin lahat dapat sinasabi basta-basta. Dapat maging maingat sa lahat ng sinasabi. You'll never know when anything that you say may be used against you.

Oo. Kontrabida ako. Kaya alam ko yang mga bagay na yan. haha.

Anyway, if ever may kakilala akong makakabasa nito, baka maitanong nya sa sarili nya na actually eh para sakin, ok lang ba kay Edward na nagpopost nga siya dito na halos wala namang nagbabasa?Or for me, tanong ko na sa sarili ko kung wala talagang nakakabasa nito, ok lang ba sa akin na magpost dito ng alam ko namang walang nagbabasa?

By all means, yes. Masaya ako na nakakapagtype ako at nakakapagpost dito regardless if there is any one who can actually read my posts. Mas maganda nga yun eh. Walang issue, walang pakialamero/a, walang epal, wala lahat.

Wala ring magdidikta kung paano nga ba ang tamang pagbblog. Walang magdidikta kung ano ang dapat kong ilagay dito. Wala. Wala. Wala.

Dahil jan, eto ang "Ako ang daigdig" ni Alejandro G. Abadilla. Nearly only writers can relate to this. Hahaha. Hindi ko na ito ipapaliwanag. Bahala ka na kung naiintindihan mo. Basta ako naiintindihan ko siya. And this is what this blog is all about.

I
ako
ang daigdig

ako
ang tula

ako
ang daigdig
ang tula

ako
ang daigdig
ng tula
ang tula
ng daigdig

ako
ang walang maliw na ako
ang walang kamatayang ako
ang tula ng daigdig

II
ako
ang daigdig ng tula

ako
ang tula ng daigdig

ako
ang malayang ako
matapat sa sarili
sa aking daigdig
ng tula

ako
ang tula
sa daigdig

ako
ang daigdig
ng tula

ako

III
ako
ang damdaming
malaya

ako
ang larawang
buhay

ako
ang buhay
na walang hanggan

ako
ang damdamin
ang larawan
ang buhay

damdamin
larawan
buhay
tula
ako

IV
ako
ang daigdig
sa tula

ako
ang daigdig
ng tula

ako
ang daigdig

ako
ang tula

daigdig
tula

ako

1 comment:

Anonymous said...

narcissistic post. loljk. haynako. tama naman. walang readers= walang haters. walang plastic. lol.

minsan masarap lang magblog kahit alam mong wala namang magbabasa. lasang chocolate. lolwhut.